104 - Hipan ang Trumpeta

Hipan ang pakakak, iyong ilakas:
Jesus muling darating!
Mga manlalakbay, kayo'y magalak;
Jesus muling darating!

REFRAIN

S'ya'y darating, S'ya'y darating,
Jesus muling darating!

Burol, kapatagan, inyong isigaw:
Jesus muling darating!
Paririto sa kal'walhatian;
Jesus muling darating!

REFRAIN

S'ya'y darating, S'ya'y darating,
Jesus muling darating!

Inyong iugong, O karagatan:
Jesus muling darating!
Na sa pampangi'y nalalabusaw;
Jesus muling darating!

REFRAIN

S'ya'y darating, S'ya'y darating,
Jesus muling darating!

Yanig ng lupa ay nagsusulit:
Jesus muling darating!
Bagyo't buhawi'y tuloy ang awit;
Jesus muling darating!

REFRAIN

S'ya'y darating, S'ya'y darating,
Jesus muling darating!

Nangagagalit ang mga bansa,
Tandang Siya'y darating!
Ang karununga'y sumasagana;
Jesus muling darating!

REFRAIN

S'ya'y darating, S'ya'y darating,
Jesus muling darating!

0:00 0:00